Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 27, 2024
- Nat'l Security Council: Barko ng Philippine Coast Guard, nagpapatrolya ngayon sa Escoda Shoal bilang kapalit ng BRP Teresa Magbanua
- PBA player John Amores at kapatid, na-inquest na matapos masangkot sa pamamaril sa nakaalitan sa basketball; tumangging magbigay ng pahayag | Ina ng biktima, iginiit na hindi makikipag-areglo kina Amores
- 8 barangay sa Kabacan, binaha; 96 na pamilya, apektado
- Pinakaunang 3D-printed hotel sa buong mundo, itinatayo sa Texas
- NBA player Derrick Rose, nagretiro na sa basketball
- Bubong ng ilang bahay at gusali, natuklap at tinangay ng malakas na hangin
- Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, binabalangkas ng grupong Bayan | Rep. France Castro, itinanggi ang sabi ni VP Duterte na may "handler" siya na pareho kina Sen. Hontiveros at dating Sen. Trillanes
- VPSD sa mga alegasyon laban sa kaniya ni dating DepEd Usec. Gloria Mercado: "Kung mag-akusa siya, dapat may papel siya"
- "Pulang Araw," na-nominate bilang Best Soap/Telenovela sa 2024 Venice TV awards
- "D.C.Plinado" stickers, idinikit na sa mga taxi pangontra sa mga abusadong driver
- Light pillars, namataan sa kalangitan ng Zamboanga City
- Presyo ng bigas sa Kalentong Market, bumaba | Smuggling at iba pang ituturing na Agricultural Economic sabotage, non-bailable na sa bagong batas | Ilang mamimili, ikinatuwa ang mga hakbang na layong panatilihing abot-kaya ang presyo ng bigas
- KathDen, kumasa na rin sa viral "Maybe This Time" dance challenge; may 2.8 million views na
- Panayam kay PAGASA Weather Specialist Anna Clauren- Jorda: Latest sa 2 bagyo at Low Pressure Area sa labas ng PAR
- Category 3 Hurricane Helene, nananalasa sa Florida
- Same-sex marriage, legal na sa Thailand
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.